Monday, December 07, 2009

Ganito Pala Ang Umibig

Sa unang pagkakataon ng aking buhay ay natuto akong umibig. Ganito pala ang pakiramdam. Para kang nasa alapaap. Laging masaya, laging nakangiti, at lagi mo siyang iniisip. Hindi ko minsan maintindihan kung ano itong aking nararamdaman. Kahit malayo kami sa isa't isa ay gusto ko siyang tawagan araw-araw marinig man lang ang kanyang boses. Ang palitan namin ng text na pawang paalala at pagmamahal sa isa't isa ang nilalaman ay mistulang patunay na in love kami pareho. Palagi kong pinaaalala sa kanya na sana ay huwag siyang magbago dahil siya lamang ang taong nakapagpapaligaya sa akin tulad ng kanyang mga tawa.
Bago ang lahat, gusto kong ikuwento ang aking buhay noon at ngayon. Honestly speaking, I live a very lonely life. Lagi akong nag-iisa at loner. May mga kaibigan ako ngunit hindi ganoon ako ka-close sa kanila. Gumawa ako ng sarili kong mundo. I keep myself busy at pinagtuunan ko ng maigi ang aking trabaho. Nabili ko ang lahat ng aking gusto sa aking pagsisikap. Bahay at lupa, mga bagong damit, mga latest na gadgets tulad ng cellphone, laptop, mga alahas at ginto. Bumili pa ako ng iba pang mga ari-arian tulad ng lupa for future investment. Sa ngayon nakakapagpa-aral ako ng aking pamangkin at tumutulong ako sa aking kapatid at magulang. Nabuhay ako ng nag-iisa, umiiyak sa gabi, nangungulila dahil walang nagmamahal, walang kapiling at yumayakap. May kulang sa aking buhay sabi ko sa aking sarili. Hanggang tinuon ko naman ang aking libangan sa internet. Nag-join ako sa Friendster at Facebook. Nagbabakasakaling may makilala at makabalita sa aking mga kaibigan nuong college days ko. To my surprise, dumami ang aking mga kaibigan sa Friendster at Facebook. Kamustahan, thanks for the add ang mistulang naging national anthem ng bawat isa. Hanggang isang araw sa Friendster, may isang guy na nagsend ng message sa akin. Sana raw maging close friend niya ako, I look decent at professional daw sa aking primary photo. Check ko naman ang profile niya at photos. Actually, impress agad ako sa primary photo niya. The guy is not that handsome pero may dating. Kung baga ay may something x-factor ang kanyang mga ngiti. Nakakahawa ba. Check ko pa ang mga photos niya. Sabi ko sa sarili ko, siya ito dahil sa dami ng albums niya on different places ay siya lamang ang makaka-upload niyon. He took some pictures na nakahubad siya with his walking shorts. Balbon ang guy at maganda ang katawan. May abs pa nga siya. Ang na-notice ko sa kanya ay ang napakasayahin niyang mukha dahil of all pictures niya ay naka-smile siya with his white and complete teeth. After that, nag response ako na its okay for me na maging friend ko siya. The next day, he replied at tinanong niya kung may roaming ako at binigay niya sa akin ang kanyang cellphone number. Nasabi ko sa aking sarili na serious siya sa kanyang intention. So I made the the first move na mag-text sa kanya. To make the long story short, dito nabuo ang aming closeness thru texting at later on ay nagtatawagan na kami. He work in a reputable and big company sa Makati and lives in Calamba, Laguna.
Walang araw na hindi kami nagte-text, every morning, lunch time, and in the evening before we go to sleep we communicate with each other. Hanggang magsabi siya na in-love na raw siya akin. Frankly speaking, naunahan lang niya akong sabihin iyun sa kanya. Pinipigil ko lang ang aking sarili na baka hindi niya ako ma-accept. This made me really happy na hindi ko pa nararamdam sa buong buhay ko. Sinabi ko rin na in-love din ako sa kanya.
Ganito pala ang umibig. Walang puwang ang anumang edad, kasarian at pamantayan ng buhay. Sigurado ako sa aking sarili na mahal ko siya. Dahil maraming nabago sa aking sarili. Napuna ng aking mga kasamahan sa upisina na iba ang aura at glow ng aking hitsura at mga ngiti. Lagi akong masayahin at marinig ko lang ang message tone ng aking cellphone ay lumulundag na sa kasiyahan ang aking puso dahil alam kong siya na ang nag-text. It is a wonderful and unexplainable feelings which I cannot describe. Lalo pang pinasabik ng aking puso ang pagkikita namin sa darating kong bakasyon sa January. It will be an exciting meeting between him and myself. Dito namin mapapatunayan sa aming dalawa kung totoo nga kami sa isa't-isa. Ang alam ko ngayon sa aking sarili ay mahal ko siya at walang sinumang makakahadlang sa aming pagmamahalan. This is a journey that I will cherish and relish for the meantime.
Sabi nga ni Anthony Itebogeng sa kanyang tulang may pamagat na I Love You,
"The distance between us means nothing,
It's our love that means something,
To me you will always be my love,
For delivering you to me,
I want to thank God above,
Darling, I love you."
Sa pag-ibig, darating daw iyun ng kusa kahit di mo hanapin. Walang panahon at walang lugar, ito ay nasa puso na uusbong na lamang.
(Ang nasabing saloobin ay pawang kathang isip lamang)

1 comment:

  1. I'm interested in the English version of "sabi nga ni Anthony Itebogeng.....".

    ReplyDelete