It's Holy Week around the Catholic world and today is Holy Tuesday (March 26, 2013). Since malayo ako sa ating bansa at nandito sa bansang mahigpit na ipinagbabawal ang mag-practice ng ibang relihiyon, isang mabisang paraan upang magtika at mag-anuyo ay gawin ito sa apat na sulok ng aming flat. Ito ang panahon na dapat magnilay-nilay tayong lahat at humingi ng kapatawaran sa ating panginoong Hesus Kristo na nag-alay ng kanyang buhay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Masasabi kong isa akong debotong Katoliko bagama't walang anumang simbahan dito sa Saudi Arabia ay sa sarili kong silid ako nagdarasal at dumadalangin sa ating panginoong Hesus Kristo. Ang pag-alay ng prayers sa kanya, humingi ng tawad sa anumang kasalanang nagawa, ang magpasalamat sa mga blessings na binibigay niya sa akin, mga hiling ng pag-gabay sa sarili at sa aking pamilya ang tanging mga dalangin ko sa ating poong maykapal. Nawa'y sa Holy Week na ito ay mag-alay tayong lahat na Katoliko ng panalangin ng kapatawaran, kapayapaan sa mundo, pasasalamat sa mga biyayang bigay ng nasa itaas, at higit sa lahat ang pag-big ng bawat isa sa atin at sa buong mundo. Ang prayers ay isang mabisang paraan upang tayong lahat ay mapalapit sa ating Panginoon.
No comments:
Post a Comment